Moira – Aking Habangbuhay Lyrics

Moira – Aking Habangbuhay Lyrics

Alam ko namang nakakapagod
At ‘di lang ako ang nalulunod
Sa pag-iisip tayo’y naiipit
Kasalanan bang ika’y mahalin?
‘Di ko alam kung paano
Bibitawan ang dalang takot
Pa’no kung iwanan ko ang lahat?
Tas iwanan mo lang rin ako

Paano ba magtitiwala?

Pero nung nakita kita
Nawala ang lahat
Ng takot sa puso ko
Naiintindihan ko na ngayon
Kung bakit walang nagtagal
Sa kahit na sinong minahal
Lahat ng daan ko ay
Patungo pala sa’yo
Aking habangbuhay

‘Di mo alam kung gaano
Mo napakalma ang aking puso
‘Di na kailangan pang mag-alinlangan
Sa’yo lang ako naging sigurado
Sa paggising ko ‘gang sa pagtulog
Ang yakap mo ang sinasaulo
Kahit ano pa ang dumating
Dito lang ako sa’yong tabi

Nang dahil sa’yo
Nakahinga ang puso

Kasi nung nakita kita
Nawala ang lahat
Ng takot sa puso ko
Naiintindihan ko na ngayon
Kung bakit walang nagtagal
Sa kahit na sinong minahal
Lahat ng daan ko ay
Patungo pala sa’yo
Aking habangbuhay

‘Di ka man ang nauna
Ikaw na ang huli

Kasi nung nakita kita
Nabura ang lahat
Ng duda sa isip ko
Naiintindihan ko na ngayon
Kung bakit walang nagtagal
Sa kahit na sinong sinugal
Lahat ng daan ko ay
Patungo pala sa’yo
Aking habangbuhay

YouTube video