OMAR BALIW – TOUCHDOWN Lyrics

OMAR BALIW – TOUCHDOWN Lyrics

balang araw (balang araw)
panahon sa akin aayun din
dahan dahan ( dahan dahan)
tamang pagkakataon ay darating
nakahandang ibigay ang lahat upang makuha
marating ko man ang nais puntahan ay hindi malulula

malayo no pero alam ko na malayo pa
kaya wala sa pipilian ngayon ang matalo pa
dahan dahan na inaral, pinandalo ang laro
naramdaman ngayon ang pinangakong paglago
lilingon pa rin pero wala ng balak bumalik
kaya nagpatuloy, tuloy tuloy na pumanhik
at kahit pa paulit-ulit ay aking kukulitin
suntok sa buwan man pero bituwin susungkitin
namunga na kaya patuloy lang diniligan
ginalawan ko yan, hindi ko lang hiniligan
kung anong meron ako, produkto yan ng aking pawis
isinulat kwento gamit lamang aking lapis
tapos ngayon dahan dahan na natutupad
‘yung kahapon dahan dahan na nahuhubad
nasilip na liwanag pero ‘di man lang nasilaw
maganda na hindaharap at ‘yun lang ang malinaw

balang araw (balang araw)
panahon sa akin aayun din
dahan dahan ( dahan dahan)
tamang pagkakataon ay darating
nakahandang ibigay ang lahat upang makuha
marating ko man ang nais puntahan ay hindi malulula

‘di ko akalain ganun kabilis na dadating
mga sugat ng kahapon mabilis na gagaling
parang kelan lang inisip ko kung pano paganahin
pasensya at tiyaga, magkasabay na pahabain
maaabot pla ‘yung akala kong imposible
kung kayang doblehin, pwedeng subukan gawing triple
dahan dahan maliit pero napalaki
‘di man lang natinag kaya ‘di napatabi
nakipagsabayan, binalasa ko ang kapalaran
grabe yung ginapang bago pa magkapangalan
bago pa ‘yung pag-asa ay medyo natanaw
grabeng sakripisyo binuhusan ng galaw
kaya ngayon nadarama ko na ang pagpapala
buti nakinig ako sa mga paalala
wala na nga talaga pang iba na mahiling
nakangiti na yung mga dating napailing

balang araw (balang araw)
panahon sa akin aayun din
dahan dahan ( dahan dahan)
tamang pagkakataon ay darating
nakahandang ibigay ang lahat upang makuha
marating ko man ang nais puntahan ay hindi malulula

balang araw (balang araw)
panahon sa akin aayun din
dahan dahan ( dahan dahan)
tamang pagkakataon ay darating
nakahandang ibigay ang lahat upang makuha
marating ko man ang nais puntahan ay hindi malulula