syd hartha – kung nag-aatubili Lyrics

Isa, dalawa
ika’y umiwas na, sinta
ito ay isang babala
babala

Tatlo, apat
ikaw ay dapat mag-ingat
‘wag ibigay ang iyong lahat
mag-ingat

‘Di mauunawaan ang nililihim ko
basahin mo ako, yakapin ang buong ako
kung nag-aatubili, ako’y ‘di para sa ‘yo

Lima, anim
‘di na kailangang banggitin
ramdam ko na sa iyong tingin
na malambing

Pito, walo
‘di mapapangakong masasalo
baka ika’y aking mabigo
ako’y ‘di pa buo

‘Di mauunawaan ang nililihim ko
basahin mo ako, yakapin ang buong ako
kung nag-aatubili, ako’y ‘di para sa ‘yo

‘Di mauunawaan ang nililihim ko
basahin mo ako, yakapin ang buong ako
kung nag-aatubili, ako’y ‘di para sa ‘yo