I Belong to the Zoo – Oras Lyrics

Halata sa iyong mata ang pagod na iyong dala
Na para bang ayaw mo na
Mga luhang pilit mong tinatago
Ramdam mula sa kabilang silid

Nandito lang ako ‘wag kang mag alala
Kahit hindi pa ako ang iyong i-una

Dahil kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Tanggap ko namang ang lahat ng ito
Ay para satin din naman
At kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin
Walang sawa kitang iintindihin

Aking mahal ‘wag malumbay kahit minsan lang magsama
Dahil ‘di ako mawawala
‘Wag ka sanang madala sa mga taong
Nagsasabi ng walang kabuluhan

Sinusukat daw ang pag-ibig sa oras na iyong nilaan
Na sa akin ay hindi makatarungan

Dahil kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Tanggap ko namang ang lahat ng ito
Ay para satin din naman
At kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin
Walang sawa kitang iintindihin

‘Wag mo sanang isipin na kailanman ika’y nagkulang
Darating din ang panahong hindi na kailangang mawalay

Dahil kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Tanggap ko namang ang lahat ng ito
Ay para satin din naman
At kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin
Walang sawa kitang iintindihin

Iintindihin
Iintindihin