Belle Mariano – Sigurado Lyrics

Hindi ko maintindihan
Ano bang gagawin sa nararamdaman?
Minsan kahit ang labo mo
Nahuhulog pa rin ang puso ko sa’yo
Ano bang sagot sa katanungan?
Ano bang gagawin sa nararamdaman?

Kahit na magtago
Hindi tatakbo
‘Pagkat alam kong hahanapin ka ng puso ko
Kahit na magtampo
Hindi lalayo
Wala nang siguro
Sigurado ako

Aaminin kong ako’y kabado
Baka kasi damdamin ko’y masaktan mo
Pero gusto ko nang maniwala sa’yo
Na hindi mo bibitawan ang pangako mo

Kahit na magtago
Hindi tatakbo
‘Pagkat alam kong hahanapin ka ng puso ko
Kahit na magtampo
Hindi lalayo
Wala nang siguro
Sigurado ako

Siguro’y hindi lahat naniniwala
Pero sigurado tayo sa ‘ting dalawa
Siguro sa ngayo’y ‘di pa tayo handa
Pero sigurado tayong dalawa’y para sa isa’t-isa