John Roa – GOOD A.M. Lyrics

Isa na namang!
Panibagong araw ang dumating!
Ano mang ibato ng mundo
Ay handa na ‘kong harapin
Di ko hahayaang matinag ng
Lumbay ang pusong nakangiti
Dahil kahit dumaan ang dilim
Alam ko na ang araw ay sisikat din

Sisikat din ang araw
Sisikat din ang araw
Sisikat din ang araw
Araaaaaw!

Magandang umaga ligaya
Nagagalak akong ikaw ay makita
Puno ng pag-asa’t malaya sa pangamba!
Subukan man ng panahon
Handa pa rin na tumalon
Dahil alam ko na palaging may paraan hmmm
Ang araw araw natin ay
Isang pagkakataong binigay
Dapat sulitin, pilitin at ulit-ulitin
Lumaban, magtatagumpay rin tayo sa huli
Wag kang magmadali
Paubaya sa langit
Magtiwala lang, maniwala kang
Darating ang umaga!

Isa na namang!
Panibagong araw ang dumating!
Ano mang ibato ng mundo
Ay handa na ‘kong harapin
Di ko hahayaang matinag ng
Lumbay ang pusong nakangiti
Dahil kahit dumaan ang dilim
Alam ko na ang araw ay sisikat din

Sisikat din ang araw
Sisikat din ang araw
Sisikat din ang araw
Araaaaaw!

Sisikat din ang araw
Sisikat din ang araw
Sisikat din ang araw
Araaaaaw!