KAPAREHA – Jr.Crown Lyrics

Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako ugh!

Sa dami daming nilingon sayo lang napatitig
Maraming mas higit pero sayo ko napaibig
Dating nananahimik na damdamin ay
Binuhay mo ikaw lang pala ang inaantay hay
Masasabi kong ikaw pala ang kulang
Pagmamahal na handang isigaw hanggang sukdulan
Natutunang pagtuonan hindi pwedeng matutulan
Kwento natin kahit nung una’y akala ko’y wala lang
Pero pinadama mo tunay na pagmamahal
Kaya pangako sayo walang iwanan hanggang sa tayo ay makasal
Pinapangarap na makasama hanggang sa tayo ay tumanda na
Magkaanak at magkaapo kasabay ng buhay na masagana
Hahay! Diba ang sarap sa feeling
Salitang atik laham sayo ko lang yan sasabihin
Hanggang tayong dalawa’y magkasabay mag-ulyanin
Walang iba ikaw pa rin ang huli kong mamahalin kase

Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako
Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako

Wag kang mawawala dito ka lang sa tabi
Ikaw lang gustong makasama araw man gabi
Ika’y naiiba hindi naman nagbibida
Kapag itinapat sa kanila wala na finish na
Kase! Ikaw ang binibining pinipili kahit mag inimini sayo lang mananatili
Ikaw ang ilaw at ako naman ang s’yang haligi
Ng tahanan na magkasabay nating pagtitibayin
Mahal! Magtiwala ka lang
Panghawakan ang pangako na walang iwanan
Ikaw lang hanggang magpakailanman
Makakaasa na hindi ka na mapapalitan
Dahil sayo lang ulit muling umikot ang mundo
Kahit na magkagalit agad ding magkakasundo
Dahil wala ng iba

Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako
Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako

Ikaw at wala ng iba
Pang hihilingin sa buhay ko
Ay ang laging…

Makasama ka, magpapasaya
San man mapunta tayong dalawa
Magpakailanman, hinding hindi ka iiwan
Sa dulo ng walang hangganan

Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako
Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako

Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako
Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako